Inihayag ng Palasyo ng Malacañan na ang pagkakatalaga ni Samuel Martires bilang bagong Ombudsman ay magdadala ng malaking tulong sa kampanya ng pamahalaan kontra katiwalian.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, malinis ang record ni Martires na isang mahalagang kalidad ng Ombudsman.
Ani Roque kailangan na ang mga itinatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pwesto ay malinis dahil sila ang magsisilbing halimbawa sa bawat isang Pilipino.
Aniya pa, malalim ang kaalaman ng bagong Ombudsman sa batas at matatawag na isang ‘legal luminary.’
Magsisimula ang panunungkulan ni Martires sa Office of the Ombudsman sa Miyerkules, August 2.
MOST READ
LATEST STORIES