No-el, divorce, same-sex marriage, death penalty malabo nang maipasa sa Kamara

By Chona Yu July 29, 2018 - 12:28 PM

Patay na sa Mababang Kapulungan ng Kongreso ang mga panukalang batas na isinulong ni dating House Speaker Pantaleon Alvarez.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Deputy Speaker Rolando Andaya sa ilalim ng pamumuno ni bagong Speaker Gloria Macapagal-Arroyo, wala nang pag-asang makalusot sa Kamara ang no election scenario na pinalutang ni Alvarez pati na ang same-sex marriage, divorce at death penalty.

May bago aniyang dikretiba si Arroyo na ituloy ang eleksyon sa 2019. Sapat na rin aniya ang mga panukalang batas na nagbibigay ng proteksyon at pagkilala sa LGBT community kung kaya hindi na kailangan na isulong pa ang same-sex marriage.

Ayon kay Andaya, kilalang pro-life si Arroyo at mananaig ang kaniyang paniniwala sa Kamara.

Ibinida pa ni Andaya na makahahanap ng kampeon sa Kamara ang Simbahang Katolika sa katauhan ni Arroyo.

Ang tanging maisasabatas lang aniya ngayon ng Kamara ay ang panukalang package 2 ng Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) law na naglalayong ibaba ang corporate income tax at ang 2019 national budget na aabot sa mahigit P3.7 trillion.

TAGS: Death Penalty, Deputy Speaker Rolando Andaya, divorce, No-election, Pantaleon ALvarez, same sex marriage, SGMA, Death Penalty, Deputy Speaker Rolando Andaya, divorce, No-election, Pantaleon ALvarez, same sex marriage, SGMA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.