Pagkamatay ng suspek sa police custody iimbestigahan ng QCPD

By Len Montaño July 28, 2018 - 08:12 PM

Inquirer file photo

Magsasagawa ang Quezon City Police District (QCPD) ng mas malalim na imbestigasyon sa pagkamatay ni Angelito Avenido Jr., ang suspek sa pagpatay kay Ombudsman Assistant Special Prosecutor Madonna Joy Tayag.

Napatay ng pulisya si Avenido nang mang-agaw umano ito ng baril ng kanyang police escort sa loob ng Quezon City Police headquarters sa Camp Karingal.

Ayon kay QCPD Director Chief Supt. Joselito Esquivel, masusi nilang iimbestigahan ang pangyayari.

Wala anyang nakakaalam sa takbo ng pag-iisip ni Avenido kaya aalamin nila kung ano ang dahilan sa pag-agaw nito ng baril ng kanyang bantay.

Nang-agaw ng baril ang suspek habang sumasailalim sa booking process kaya wala itong posas nang kinukunan ng fingerprints.

Ililipat na dapat si Avenido sa Quezon City Jail nang maganap ang insidente.

Nadala pa si Avenido sa East Avenue Medical Center pero idineklara na itong dead on arrival.

TAGS: Angelito Avenido, esquivel, ombudsman, tanyag, Angelito Avenido, esquivel, ombudsman, tanyag

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.