MILF nangako ng tulong para magtagumpay ang BOL

By Len Montaño July 28, 2018 - 07:42 PM

Inquirer file photo

Nangako ang Moro Islamic Liberation Front (MILF) na makikipag-ugnayan ito sa mas maraming tao sa Mindanao, kabilang ang mga hindi Muslim at ang mga katutubo, para sa suporta sa Bangsamoro Organic Law (BOL) na dadaan sa plebesito bago maipatupad bilang batas.

Ayon kay Ghadzali Jaafar, MILF vice chairman for political affaits, lalapitan nila ang mga miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) na itinatag ni Nur Misuari, maski ang bandidong grupo na Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na patuloy na nakikipaglaban sa gobyerno.

Ang MILF breakaway group na BIFF ay binuo ng yumaong si Omra Kato dahil umano sa pagka-inip sa usapang pangkapayapaan sa pamahalaan.

Sinabi ni Jaafar, chairman ng Bangsamoro Transition Commission (BTC) na nag-draft ng panukalang Bangsamoro Law, hindi aangkinin ng MILF ang tagumpay ng pagresolba sa problema sa pakikipaglaban ng mga Moro sa Mindanao.

Kasama anya sa BOL ang mga tao mula sa iba’t-ibang religious beliefs at political affiliations sa rehiyon para makamit ang totoong kapayapaan sa lugar.

Una nang sinabi ni Misuari na hindi sasama ang kanyang grupo sa bagong political entity sa ilalim ng BOL at hihintayin na lang niya ang federal form ng gobyerno.

TAGS: BOL, duterte, jaafar, MILF, Mindanao, mnlf, BOL, duterte, jaafar, MILF, Mindanao, mnlf

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.