LeBron James apektado sa pressure na dinaranas ng mga anak
Pinagsisisihan ni NBA legend Lebron James ang pagbibigay ng pangalang Lebron James Jr. sa kanyang labing-apat na taong gulang na anak dahil sa pressure anyang idudulot nito sa bata.
Sa isang interview sa palabas na “The Shop”, itinanong kay Lebron kung ano ang kaniyang ipinapayo sa mga anak upang maalis ang pressure sa paglalaro ng basketball.
Pinagsisisihan daw niya ang pagbibigay ng parehong pangalan sa kanyang anak na si Bronny.
Ang intensyon umano niya ay iparamdam at ibigay sa kanyang mga anak ang lahat ng hindi naibigay ng kanyang ama.
Lumaki si Lebron ng walang father figure at dahil dito ay gusto niyang ipakita ang pagkilala sa mga anak.
Ibinahagi rin ng NBA player ang pakiramdam na mapanood ang kanyang mga anak na naglalaro ng basketball.
Ang anak nitong si Bronny ay isang 5-foot-10 player ng Amateur Athletic Union na isang amateur sports organization sa US.
Anya, kinakabahan at pinagpapawisan siya tuwing nanood ng laro ng kanyang mga anak.
Naranasan na rin umano niyang makipagtalo sa kapwa magulang nang dahil sa laro.
Si James ay mayroong tatlong anak na sina Bronny, Bryce edad 11, at si Zhuri edad 3.
Nauna nag ipinahayag ni Lebron na malaki ang magiging parte ng kanyang pamilya sa pagbuo ng desisyon kung saang koponan siya magpapatuloy maglaro.
Kamakailan ay pumirma na ng kontara si James sa Los Angeles Lakers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.