State of calamity itinaas sa Jolo, Sulu dahil sa malaking sunog

Photo: Sanz Tulawie

Isinailalim sa state of calamity ang bayan ng Jolo sa Sulu bunsod ng sunog na sumira sa 2,600 kabahayan noong Martes.

Ayon kay Vice Mayor Abdel Razi Amin, napagkasunduang itaas ang state of calamity sa Jolo sa pagpupulong ng Sanggunian Bayan at ni Mayor Kerhar Tan.

Sinabi ni Amin na labing-tatlong ektarya ng residential area ang tinupok ng apoy kung saan nawalan ng tirahan ang 5,200 pamilya o 26,000 katao.

Sa pagtaya ng Bureau of Fire Protection, aabot sa P35 milyon ang napinsala sa sunog.

Sa pagdalaw sa mga nasunugan  ni Pangulong Rodrigo Duterte ay kaagad niyang ipinag-utos ang pagbibigay ng limang fire trucks sa lugar.

Read more...