State of calamity itinaas sa Jolo, Sulu dahil sa malaking sunog
Isinailalim sa state of calamity ang bayan ng Jolo sa Sulu bunsod ng sunog na sumira sa 2,600 kabahayan noong Martes.
Ayon kay Vice Mayor Abdel Razi Amin, napagkasunduang itaas ang state of calamity sa Jolo sa pagpupulong ng Sanggunian Bayan at ni Mayor Kerhar Tan.
Sinabi ni Amin na labing-tatlong ektarya ng residential area ang tinupok ng apoy kung saan nawalan ng tirahan ang 5,200 pamilya o 26,000 katao.
Sa pagtaya ng Bureau of Fire Protection, aabot sa P35 milyon ang napinsala sa sunog.
Sa pagdalaw sa mga nasunugan ni Pangulong Rodrigo Duterte ay kaagad niyang ipinag-utos ang pagbibigay ng limang fire trucks sa lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.