Kuwaiti online personality na nanlait sa mga Pinay nilayasan ng sponsors

By Den Macaranas July 28, 2018 - 02:48 PM

AP

Niliyasan ng kanyang mga sponsor ang Kuwaiti social media personality na si Sondos Alqattan.

Si Alqattan ay nauna nang inulan ng batikos makaraan siyang maglabas ng video na naghahayag na hindi siya pabor na bigyan ng day-off ang mga Pinay domestic workers sa kanilang bansa.

Binatikos rin niya ang pagpayag ng Kuwaiti government na hindi dapat isuko sa mga employer ang travel documents ng mga manggagawa sa Kuwait.

Sinabi ng Japanese cosmetics giant na Shiseido na hindi nila nagustuhan ang ginawang pahayag ni Alqattan sa laban sa mga kapwa niya babae.

Ayon sa Shiseido. “In pursuit of its mission to ‘inspire a life of beauty and culture,’ Shiseido aims to be an important and trusted corporate entity, accepted by society and consumers worldwide. Shiseido understands that it must respect the human rights of all persons as a prerequisite to conduct business activities for its sustainable growth together with the global society….We have no plans to work with her again in the future.”

Ito naman ang laman ng pahayag ng Mac Cosmetics, “Max Factor Arabia is taking this incident very seriously and have immediately suspended all collaborations with Sondos.”

Kahapon ay naglabas rin ng pahayag ang U.S cosmetics company na Anastasia Beverly Hills (ABH) kung saan ay tinapos na rin nila ang lahat ng kontrata sa nasabing online influencer.

“We take our brand’s values very seriously and will not support such behavior or have it associated with our products,” ayon sa pahayag ng ABH

Tinawag naman ng Global haircare na Phyto na “cruel comments” ang mga tinuran ni Alqattan laban sa mga Pinay kaya inalis na rin siya sa hanay ng kanilang mga endorsers.

Pati ang sikat na London-bases makeup company na Chelsea Beautique ay tinapos na rin ang ugnayan sa Alqattan.

“We believe that decent working conditions should be provided to everyone and such behavior does not represent our brand’s core beliefs,” dagdag pa ng Chelsea sa kanilang pahayag.

Sa kanyang mismong Instagram account na may 2.3 million followers ay inulan rin ng batikos mula sa iba’t ibang panig ng mundo si Alqattan.

Hanggang sa mga oras na ito ay nanatiling tahimik ang kampo ng naturang social media personality sa isa-isang pag-alis ng kanyang mga sponsors.

TAGS: abh, chelsea, influencer, mac, sondos alqattan, abh, chelsea, influencer, mac, sondos alqattan

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.