5 pulis sibak makaraang matakasan ng 23 preso sa Cavite

By Rohanisa Abbas July 28, 2018 - 02:14 PM

Sinibak sa pwesto ang hepe ng Bacoor Custodial Center at apat na iba pang tauhan nito kasunod ng pagpuga ng 23 preso.

Ayon kay Cavite Provincial Police Director Senior Supt. William Segun, inihahanda na ang kasong administratibo laban sa limang pulis kaugnay ng insidente.

Sinabi ni Segun na naka-duty ang limang pulis nang pumuga ang mga preso.

Aniya, iimbestigahan ang pananagutan ng mga ito.

Ayon kay Segun, ililipat ang mga mga pulis na sinibak sa provincial police office.

Samantala, bumuo na ng special task group ang pulisya para tugisin ang 15 preso na nakalalaya pa rin.

Sa impormasyon ni Segun, walong preso na ang naibalik sa bilangguan.

TAGS: bacoor custodial center, PNP, segun, bacoor custodial center, PNP, segun

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.