8 takas na bilanggo balik-kulungan sa Cavite

Balik kulungan na ang walong bilanggo na tumakas mula sa Bacoor City Custodial Center biyernes ng hapon, July 27.

Apat sa kanila ay may kasong theft, robbery, frustraded murder, frustrated homicide at illegal drugs.

Kaugnay nito, nilinaw ni Senior Supt. William Segun, Provincial Director ng Cavite Police na 23 ang nakatakas na preso taliwas sa naunang ulat na 22 lamang.

Nakumpirma ito nang magsagawa ng headcount sa nasabing bilangguan.

Inilabas na rin ng Cavite PNP ang mugshots ng mga nakapugang bilanggo at inabisuhan ang publiko na agad na irepost sa kanila ang anumang impormasyon hinggil sa mga pugante.

Nagpapatuloy naman ang pagtugis sa nasa 15 pang takas na bilanggo.

Samantala, sinibak na sa pwesto ang supervisor at dalawang jail guards ng Bacoor City Custodial Center kaugnay ng insidente.

Read more...