PNP official na dinukot sa Cotabato pinalaya ng NPA

By Jimmy Tamayo July 28, 2018 - 12:21 PM

PNP photo

Pinakawalan na ng New People’s Army (NPA) ang dinukot na deputy chief of police ng President Roxas sa North Cotabato na si Police Inspector Menardo Cui.

Si Cui ay binihag ng mga rebelde noong December 28, 2017 at makaraang ang ilang buwang negosasyon ay nagpasya ang grupo na palayain ito.

Ang binihag na PNP official ay personal na sinundo ni Special Assistant to the President Christopher “Bong” Go sa kuta ng mga NPA sa Sitio Apog-Apog ng Barangay Panaka, Magpet, North Cotabato.

Matapos palayain ay dinala si Cui sa PNP-Region 11 at humarap kay Director Manuel Gaerlan na kanyang superior kung saan naman ito sinalubong ng kanyang ina.

Pinayuhan naman ni Secretary Go si Cui na bisitahin ang pamilya at ang puntod ng namayapang asawa.

Nabatid na namatay ang misis ni Cui na si Florelie dahil sa cervical cancer limang araw matapos dukutin ang mister nito ng mga rebelde.

Isasailalim sa debriefing at medical check-ups si Cui bago bumalik sa kanyang tungkulin bilang pulis.

TAGS: bong go, CPP, inspector cui, magpet north cotabato, NPA, PNP, bong go, CPP, inspector cui, magpet north cotabato, NPA, PNP

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.