Tambalang Duterte at Cayetano, may pag-asa pa para sa 2016 Elections

October 25, 2015 - 07:47 AM

 

Cayetano-Duterte_CNNPH

 

 

Muling nagkita sina Davao City Mayor Rodrigo Duterte at Senator Allan Peter Cayetano para pag-usapan ang posibilidad na tumakbong magkasama para sa 2016 Elections.

Sa Hotel Elena nagkita ang dalawa nitong Biyernes.

Bukod pa rito ang pag-anyaya ni Duterte kay Cayetano bilang panauhin sa kanyang TV program sa local ABS-CBN sa Davao City. Sa naturang programa, tinalakay ng dalawa ang federalismo at ang problema ng peace and order sa bansa.

Ayon kay Cayetano, hanggat may nanghihikayat kay Duterte na tumakbong pangulo ay bukas ang posibilidad na matuloy ito.”Hanggat may clamor, may pag-asang tumakbong pangulo si Mayor Duterte,” ani Cayetano.

Maging si Duterte ay nagpahiwatig ng pagbabago ng kanyang pasya. Sinabi ng alkalde na kung iyon ang magiging pasya ng kanyang partido, ang PDP-Laban ay susunod siya, Si Martin Dino ang naghain ng kandidatura bilang pangulo sa ilalim ng PDP-Laban.

Kung magbabago ang pasya ni Duterte at ng PDP-Laban, hanggang December 10 na lang ang substitution ng kandidato batay sa Comelec rules and regulations./Gina Salcedo

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.