Vhong Navarro umaming doble pa rin ang pag-iingat sa seguridad

By Jimmy Tamayo July 28, 2018 - 10:57 AM

Nagpahayag ng kasiyahan ang aktor na si Vhong Navarro sa desisyon ng korte sa kasong isinampa niya laban sa negosyanteng si Cedric Lee.

Sa inilabas na desisyon ng Metropolitan Trial Court ng Taguig sa grave coercion case, guilty ang hatol kina Lee at mga co-accused na sina Deniece Cornejo at Jed Fernandez.

Sinabi ni Navarro na sobrang saya niya dahil nangibabaw ang hustisya.

Mas mapapanatag umano ang kanyang kalooban kapag nasa loob na ng kulungan ang mga gumawa sa kanya ng pananakot at pananakit.

Gayunman, inamin nito na nagbalik sa kanyang alaala ang pinaggagawa sa kanya noong 2014 gaya aniya ng pananakit, pananakot, pagbabanta sa kanyang pamilya, kasama na ang pagtutok sa kanya ng baril at pagpirma sa isang bagay na hindi naman niya kagustuhan.

Si Vhong ay nasa Los Angeles, California para sa “It’s Showtime” nang ilabas ng korte ang desisyon.

Bukod sa grave coercion, may dalawa pang kaso ang nakasampa laban sa kampo ni Lee.

Umaasa si Navarro na magiging paborable sa kanya ang desisyon sa nasabing dalawang kaso.

TAGS: cedric lee, deniece cornejo, vhong navarro, cedric lee, deniece cornejo, vhong navarro

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.