Hinihingan ng paliwanag ng Commission on Audit ang Bureau of Customs dahil kapos ng higit sa P8 Billion ang kanilang target revenue collection para sa fiscal year noong 2017.
Sinabi ng COA na kapos ng P8.1 Billion ang target revenue ng BOC na P460 Billion na isinisisi ng ahensya sa palpak na collection process at maluwag na tariff law.
Ipinaliwanag rin ng COA na hindi naipatupad ng maayos ang mga rebisyon sa tax law kaya kinapos ng kita ang BOC.
Inihalimbawa dito ng mga state auditors ang kabiguan ng BOC na habulin ang P450 Million unpaid additional taxes at ang hindi maipaliwanag na buwis para sa mga naipasok sa bansa na 400 units ng fire trucks.
Balewala ang sobrang buwis na nasingil ng BOC noong 2016 na umaabot sa P60 Billion dahil mas malaki ang kakulangan sa sumunod na taon ayon pa sa ulat ng COA.
Binanggit rin ng COA na hindi maaabot ng BOC ang kanilang bagong target sa taong kasalukuyan kundi nila babaguhin ang ilang mga patakaran sa paniningil ng buwis sa mga pumapasok na kalakal sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.