Dahil sa death threats, PSG naghigpit ng seguridad kay Duterte
Ipagbabawal ng Presidential Security Group (PSG) ang mga ballpen, lapis at mga bottled water sa mga presidential visits sa iba’t ibang probinsya.
Sa pagbisita ng Pangulong Duterte sa Barangay Labuan sa Ipil, Zamboanga Sibugay, hindi pinayagan ang mga mamamahayag na magdala ng ballpen at lapis maging mga bottled water.
Hindi rin pinayagan ang mga social workers, mga guro, estudyante at mga nurse sa venue kung saan magsasalita ang Pangulo. Hindi naman nagbigay ng paliwanag ang PSG kaugnay ng nasabing hakbang pero bahagi umano ito ng security protocol sa Chief Executive.
May report din na hindi naman kinuha ng PSG ang ballpen at bottled water ng ilang mamamahayag na nagko-cover ng talumpati ni Pangulong Duterte sa bayan ng Ipil pero pinalayo pina-distansya sila kung saan naroroon ang Presidente.
Nauna nang sinabi ni Presidential Assistant to the President Bong Go na may banta sa buhay ng Pangulo.
Ayon naman kay Chief Supt. Billy Beltran, regional director ng Police Regional Office 9, hindi nila alam ang detalye kaugnay ng death threat sa pangulo at hindi aniya ito isasapubliko ng PSG.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.