BOI: 140,000 modern jeepneys kayang gawin sa bansa

DOTr photo

Pinag-aaralan na ng Board of Investments (BOI) na magkaroon ng dayalogo sa mga local manufacturer para sa produksyon ng 140,000 modern public utility vehicles (PUVs).

Sinabi ni BOI Managing Head at Tarde Usec. Ceferino Rodolfo na kanilang pinapanatili ang “open market” apporoach para hayaan ang mga transport operator na mag-import ng mga modernong PUVs.

Ipinaliwanag ng opisyal na pursigido ang pamahalaan sa pagsusulong ng maayos at modernong sasakyan para sa mga commuter sa bansa.

Dagdag pa ni Rodoldo, “We won’t do a manufacturing solution in a protected environment. We’re done with that. We will compete here. It’s an open competition. We won’t stop operators from importing vehicles, but we will help local manufacturers so they could compete.”

Kumpara sa mga imported na sasakyan, sinabi ni Rodolfo na may bentahe ang mga local manufacturers partikular na sa after-sales service.

Samantala, sinabi naman ni Parts Makers Association Inc. President Ferdinand Raquel Santos na handa ang kanilang grupo na tumulong sa modern PUVs project ng pamahalaan.

Sa gaganaping Philippine Auto Parts Expo sa susunod na buwan ay ipakikita ng kanilang grupo ang mga world class na spare parts ng mga sasakyan na dito ginawa sa Pilipinas.

Read more...