LPA at Habagat, magpapaulan sa ilang bahagi ng bansa ngayong araw

Uulanin ang ilang bahagi ng Luzon at Visayas bunsod ng mga epekto ng isang low pressure area (LPA) at ng hanging habagat.

Sa 4am weather advisory ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 100 kilometro Silangan-Timog-Silangan ng Casiguran, Aurora.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-uulan, pagkulog at pagkidlat ang mararanasan sa Bicol Region, Marinduque at Romblon dahil sa LPA.

Makararanas naman ng mga kalat-kalat na pag-uulan, pagkulog at pagkidlat ang Palawan, Mindoro at Western Visayas dahil sa Habagat.

Sa nalalabing bahagi naman ng Luzon, nalalabing bahagi ng Visayas at buong rehiyon ng Mindanao ay maaliwalas na panahon ang mararanasan maliban na lamang sa mga pag-ulang dulot ng localized thunderstorms.

Read more...