Pang. Duterte sa Abu Sayyaf: ‘Huwag niyo akong kidnapin’
May panawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa bandidong grupo na Abu Sayyaf.
Sa kanyang talumpati sa Jolo, Sulu, sa pagbibigay ng ayuda sa mga biktima ng sunog noong Martes, sinabi ng pangulo na huwag siyang kidnapin ng grupo.
Giit ng pangulo, iba na lang ang kidnapin ng mga ito ngunit hindi naman pinangalanan kung sino ang ‘iba’ na kanyang tinutukoy.
Wala rin anyang makukuha ang mga ito sa kanya.
Nanawagan naman ang presidente sa mga bandido na ihinto na ng mga ito ang kanilang mga masasamang aktibidad na ito kasabay ang birong papatawan niya ng buwis ang ransom na hinihingi ng Abu Sayyaf para sa bawat bihag nila.
Giit ng pangulo, ang mga ‘Malay’ ay hindi mga sakim hindi tulad ng mga Arabo,
Nilinaw naman ng pangulo na hindi niya iniinsulto ang naturang lahi at sinabing ganito lamang ang kanilang paraan ng pakikipaglaban.
“Sana mahinto na. Huwag naman masyadong cruelty kasi hindi tayo ganun. Tayong mga Malay, hindi tayo ganun. We are not as vicious as the Arabs. Ganun talaga… I’m not insulting the Arabs. Ganun talaga ang ano nila, how they fight,” ani Duterte.
“Nagbabayad ba ng taxes ‘yang mga kidnapper? Kasi kwentahan ko sila magkano ang kita nila,” dagdag ng pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.