Pang. Duterte nangakong magbibigay ng fire trucks at helicopter sa Jolo, Sulu
Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte kahapon ang distribusyon ng relief goods sa mga pamilyang naapektuhan ng sunog sa Jolo, Sulu noong Martes (July 24).
Sa kanyang talumpati, sinabi ng presidente na magbibigay ang national government ng tatlo hanggang apat na fire trucks sa loob lamang ng buwang ito.
Bukod dito ay plano rin anya ng gobyerno na magbigay ng isang fire-fighting helicopter.
Iginiit ng pangulo na masyadong malayo ang Jolo, Sulu at mahirap maabot ng gobyerno.
Nangako rin si Duterte ng P15,000 na financial assistance sa kada pamilya na kanyang ihahatid mismo sa Lunes.
Sinabi pa ng presidente na magpapadala ito ng mga materyales para ipangtayo ng bahay ng mga residente hanggang sa unang linggo ng Agosto.
Umabot sa 26,000 na katao ang naapektuhan ng sunog sa Jolo na tumagal ng higit-kumulang siyam na oras.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.