PNP: Pagkakaaresto kay Parojinog, tanda ng pag-iral ng batas
‘The law will always prevail’.
Ganito isinalarawan ng Philippine National Police (PNP) ang pagkakaaresto kay Ozamis City Councilor Ardot Parojinog matapos pauwiin mula Taiwan dahil sa illegal entry.
Sa pahayag ni PNP Chief Director General Oscar Albayalde, sinabi nitong ang pagkakahuli kay Parojinog ay nagpapakita lamang na mahaharap sa karampatang parusa ang sinumang susubok sa batas.
Tiniyak ni Albayalde ang seguridad at kaligtasan ni Parojinog nang sa gayon ay makaharap ito sa mga pagdinig sa mga kasong kanyang kinahaharap.
Ang mga kasong hinaharap nito ay dalawang bilang ng murder, illegal possession of firearms and ammunitions at illegal possession of explosives.
Pansamantalang idedetine si Parojinog sa PNP Custodial Center habang hinihintay ang pagbabalik ng warrant sa korte sa Ozamiz City at paglalabas ng commitment order.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.