Pagpatay kay Agusan Mayor Otaza inako na ng NPA

By Den Macaranas October 24, 2015 - 09:04 PM

otaza afp
Mayor Otaza’s FB Account

Inamin ng New People’s Army ang pagdukot at pagpatay kay Loreto Agusan Del Sur Mayor Dario Otaza at sa kanyang anak na si Daryl kamakailan.

Sa kalatas na inilabas ng Souther Mindanao Command ng CPP-NPA, sinabi ng kanilang tagapagsalita na si Rigoberto Sanchez na maraming ipinapatay at tinakot ang nasabing mag-ama kaya nila ito hinatulan ng kamatayan.

Noong isang linggo ay dinukot ng mga armadong kalalakihan ang mag-amang Otaza loob mismo ng kanilang bahay sa Butuan City.

Sinabi ni Sanchez na tinangay din nila ang apat na Bushmater rifles, isang AK-47 assault rifle, isang AK-2000 rifle at dalawang .45 Caliber pistol na pag-aari ni Mayor Otaza.

Nangako naman ang nasabing lider-komunista na ibabalik nila sa pamilya ng alkalde ang P25,000 na nakuha nila sa nasabing opisyal.

Sinabi pa ni Sanchez na ang mag-amang Otaza ang nasa likod ng pagpatay sa maring Lumad o katutubo sa ibat-ibang bahagi ng Agusan Del Sur.

Katuwang umano ng mag-ama ang kanilang pinamumunuang para-military group na bagani Forces at ilang tauhan ng 26th Infantry Division ng Philippine Army at itinago nila ang kanilang pamamaslang sa pamamagitan ng Oplan Bayanihan.

Bukod sa pag-patay, ibinibintang din sa mag-amang Otaza ang ilang insidente ng arson sa bayan ng Loreto at pag-torture sa ilang kabataang Lumad para paalisin sila sa kanilang mga sariling lupain.

Bago napatay, sinabi ni Sanchez na nakapagtayo pa ng isang armadong pwersa si Mayor Otaza na tinatawag ngayon bilang “Taptap para-military group”.

TAGS: Agusan, Butuan City, NPA, Otaza, Agusan, Butuan City, NPA, Otaza

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.