Na-hack ang website ng PDP-Laban, Biyernes ng gabi.
Kapag binuksan ang website, makikita ang litrato ng isang naka-maskarang lalaki na naka-fist bump at may nakasulat na “PDP – Para sa Dayuhang Pilipino – Laban” at “Laban 2019 Pilipinas, Abangan ang Tuloy-tuloy na Pag-aasenso.”
Naganap ang pangha-hack sa araw na nagkaroon ng pagtitipon ang isang paksyon ng PDP-Laban.
Pero ayon kay Senador Aquilino “Koko” Pimentel Jr, wala raw otorisasyon ang pagtitipon at labag daw sa party rules ang ginawa ng nasabing paksyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.