NAIA-MIAA: Walang iregularidad sa pagsuri sa mga bagahe ng WCOPA delegates

By Isa Avendaño-Umali July 27, 2018 - 08:13 PM

Walang nakitang iregularidad ang Ninoy Aquino International Airport-Manila International Airport Authority o NAIA-MIAA sa kanilang ginawang pagsuri sa mga bagahe ng mga delegado ng World Championships of Performing Arts Philippines (WCOPA).

Nauna nang ipinost ng WCOPA delegates at ng singer na si Jed Madela sa social media ang pagkawala raw ng mga pasalubong sa NAIA.

Sa statement na inilabas ni NAIA General Manager Eddie Monreal, sinabi nito na para sa transparency at full disclosure ay ipinakita kina WCOPA Team Philippines national director Gerry Mercado at creative director Annie Mercado ang full CCTV coverage ng baggage handling sa NAIA.

Partikular na sinuri ang mga lugar kung saan na-unload ang mga bagahe o maletang sakay ng flight PR103, maging sa lugar kung saan ginawa ang Customs X-Ray inspection process, conveyor belts hanggang sa baggage claim carousels sa NAIA arrival area.

Ayon kay Monreal, wala silang nakitang ilegal na aktibidad base sa CCTV footage, at nasaksihan ito mismo ng mga kinatawan ng WCOPA.

Pagtitiyak ng NAIA-MIAA sa publiko na prayoridad ang seguridad ng mga biyahero at kanilang mga bahage.

Pinayuhan naman ang mga pasahero na palaging maging alerto at agad na i-report sa mga otoridad kung may problema sa kanilang bagahe.

 

 

TAGS: NAIA, WCOPA, NAIA, WCOPA

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.