Pilipinas, posibleng pagmultahin dahil sa pag-atras ng SBP sa 2018 Asian Games
Pwedeng patawan ng sanction ang Pilipinas dahil sa pag-atras ng Samahang Basketbol ng Pilipinas (SBP) sa 2018 Asian Games.
Ayon kay Philippine Olympic Committee o POC President Ricky Vargas, inaasahan ng SBP na pagmumultahin ito ng Olympic Council of Asia dahil sa pull out ng bansa ilang linggo na lamang bago ang kumpetisyon.
Hindi naman masabi ni Vargas kung bukod sa multa ay may hiwalay pang parusa sa Pilipinas.
Una nang pinagmulta at sinuspinde ng FIBA ang dalawang coach at ilang players ng Gilas Pilipinas dahil sa rambol sa Australia sa 2018 World Cup Asian qualifiers.
Gayunman, tiniyak ni Vargas na hindi madadamay ang ibang uri ng palakasan na sinasalihan ng bansa sa epekto ng pag-atras ng SBP sa Asiad sa Indonesia.
Desisyon lang aniya ito ng SBP kaya dapat na hindi ito makaapekto sa POC at ibang sports.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.