22 na preso, pumuga sa Bacoor PNP Detention Cell

By Erwin Aguilon, Jan Escosio July 27, 2018 - 05:37 PM

 

UPDATE: Sinamantala ng 22 detenido ng Bacoor City Police Station Custodial Facility na nag-iisa lamang ang kanilang bantay para tumakas alas 4:20 ng hapon (July 27).

Agad naman na nahuli ang tatlo sa mga pumuga at pagsapit ng gabi ay may dalawang sumuko.

Isa sa mga sumuko ay si Junjie Moog na may kasong frustrated homicide.

Sa pagpunta naman ni Calabarzon Police Director Edward Carranza sa pasilidad, agad nitong ipinag-utos kay Cavite PNP Provincial Director Senior Supt. William Segun ang pagsibak sa chief jail custodian.

Ayon pa sa opisyal, ang pasilidad ay may kapasidad lang na 100 detenido ngunit halos 500 ang nakakulong.

Kaya’t ang decongestion o pagsisiksikan ng kulungan ay isa sa mga dahilan ng pagtakas ng ilang preso.

Dagdag pa ni Segun, hindi naman itinuturing na delikado ang mga pumuga.

Sa 17 pang hinahanap, 12 ang may kaso na may kinalaman sa droga, tatlo ang kinasuhan ng robbery, isa ang may kasong frustrated murder gayundin ang forcible abduction with rape at illegal discharge of firearm.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.