LOOK: Speaker GMA, inayudahan ang mga biktima ng bagyo

By Erwin Aguilon July 27, 2018 - 04:57 PM

Namahagi si dating Pangulo at kasalukuyang House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ng tulong sa mga biktima ng Bagyong Gardo sa kanyang distrito sa Samsuan, Pampanga ngayong araw.

Nabatid na humigit kumulang 663 na pamilya sa naturang lugar ang nakatanggap ng relief goods mula sa bagong lider ng Kamara.

Katuwang ni Arroyo sa inilunsad niyang relief operations ay sina Pampanga Governer Lilia Pineda, mga lokal na opisyal ng Brgy. Sebitanan at mga kinatawan ng Municipality Disaster Risk Reduction and Management Office, at Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office.

Matapos palitan si dating Speaker Pantaleon Alvarez noong Lunes, Hulyo 23, sinabi ni Arroyo na prayoridad niya sa ngayon ang pagbigay ng ayuda sa mga sinalanta ng bagyo kamakailan.

 

TAGS: House Speaker Gloria Arroyo, House Speaker Gloria Arroyo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.