Carpio-Morales, bibigyan ng “benefit of the doubt” si bagong Ombudsman Martires

By Isa Avendaño-Umali July 27, 2018 - 04:52 PM

Nais ni retired Ombudsman Conchita Carpio-Morales na bigyan ng “benefit of the doubt” si bagong Ombudsman Samuel Martires.

Sa pulong balitaan ng Foreign Correspondents Association of the Philippines o FOCAP, natanong si Morales kung ano ang masasabi niya sa pagkakatalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Martires bilang bagong pinuno ng Office of the Ombudsman.

Ayon kay Morales, hindi raw sila personal na magkakilala ni Martires, subalit ayaw niyang kaagad na pagdudahan ang bagong Tanod-Bayan.

Kung totoo man ang mga alegasyon laban kay Martires gaya ng pagiging “partial” o pumapanig sa administrasyong Duterte, sinabi ni Morales na maaaring ito na ang tamang pagkakataon ng newly-appointed Ombudsman na maging impartial.

Sinabi pa ni Morales na maswerte raw si Martires dahil nagkaroon siya ng “proper turn-over” sa Ombudsman.

Hindi umano tulad niya noon na minana ang mga trabaho ng Ombudsman na “in disarray” o magulo.

Nang pumasok aniya siya sa anti-graft body, wala raw mga kumpletong rekord, turnover at inventory.

Sa 19,000 na nakabinbing kaso noong pumasok siya sa Ombudsman, bumaba na ito sa 6,000 bago siya magretiro.

 

TAGS: Conchita Carpio-Morales, Ombudsman Samuel Martires, Conchita Carpio-Morales, Ombudsman Samuel Martires

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.