Rappler, hinimok ang CA na rebyuhing muli ang kanilang kaso
Iginiit ng news website na Rappler na sila ay “completely Filipino-owned” matapos pagtibayin ng Court of Appeals ang pag-revoke ng Securities and Exchange Commission o SEC sa kanilang registration dahil sa umano’y paglabag sa batas na kailangang 100% na ito ay pag-aari ng mga Pilipino.
Sa isang statement, nanindigan ang Rappler na mga Pilipino ang may-ari ng kumpanya.
Tatlong bagay ang ipinunto ng Rappler…una mali ang revocation ng SEC sa kanilang certificate of incorporation.
Hindi umano nagkaroon ng karapatan ang Omidyar sa kwestyunableng Philippine Depository Receipt at kalauna’y nag-waive ito ng kanilang rights.
Dagdag ng Rappler, bigo ang SEC na ipatupad ang sarili nitong panuntunan at hindi umano binigyan ng pagkakataon ang kumpanya na itama ang pagkakamali bago sila tinanggalan ng registration.
Nais ng Rappler na muling imbestigahan ng SEC ang kaso.
Sa kabila ng CA ruling, sinabi ng Rappler na “business as usual” o tuloy lamang ang kanilang operasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.