Malakanyang, pinuri ang desisyon ng CA sa petisyon ng Rappler
Pinuri ng Malakanyang ang pasya ng Court of Appeals na nagbabasura sa petisyon ng online news site na Rappler.
Ito’y kaugnay sa naunang ruling ng Securities and Exhange Commission o SEC na nagre-revoke sa business registration ng Rappler.
Sa isang statement, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na ang desisyon ng CA ay patunay na tama ang pag-revoke ng SEC sa rehistrasyon ng Rappler, batay sa isinagawang imbestigasyon.
Ayon pa kay Roque, ang pasya ng CA ay sumusuporta sa paninindigan ng Palasyo na ang kaso ay hindi isyu sa press freedom, kundi pagpapairal sa regulatory powers ng SEC.
Kumpiyansa naman ang Malakanyang na mareresolba ng SEC ang kaso, na may kaparehong “competence and objectivity” gaya ng dati.
Sa inilabas na 72-page ruling ng CA, pinaburan nito naunang utos ng SEC na i-revoke ang articles of registration ng Rappler dahil sa paglabag sa Saligang Batas kung saan nakasaad na dapat ang isang media company ay 100% Filipino owned.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.