Nabasahan na ng sakdal ng korte si detained Senator Leila de Lima ngayong araw (July 27).
Ito’y para sa kasong may kinalaman sa umano’y kalakalan ng ilegal na droga sa New Bilibid Prison o NBP, noong panahong kalihim ng Department of Justice si de Lima.
Personal na dumalo si de Lima sa arraignment sa Muntinlupa Hall of Justice, kung saan sinalubong siya ng kanyang mga taga-suporta.
Ngunit sa pagharap niya sa Muntinlupa Regional Trial Court branch 206, tumanggi si de Lima na maghain ng plea kung kaya’t ang korte na lamang ang nagpasok ng “not guilty plea” para sa senadora.
Katwiran ni de Lima ang hindi niya paghahain ng plea ay dahil hindi niya kinikilala ang “legitimacy and the validity” ng drug cases laban sa kanya.
Ang DOJ, sa pangunguna ni dating Secretary Vitaliano Aguirre, ang nagsampa ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangereous Drugs Act laban kay De Lima.
Pero iginiit ni de Lima na hindi siya sangkot sa naumang transaksyon ng droga sa Bilibid, at biktima lamang siya ng administrasyong Duterte.