Ikinatuwa ni National Commission on Muslim Filipinos Chairman Saidamen Pangarungan ang paglagda ni Pangulong Rodrigo Duterte ng Bangsamoro Organic Law.
Ayon kay Pangarungan, malaki ang maitutulong ng BOL para sa kapayapaan sa Mindanao.
Kung walang kapayapaan lalong kawawa ang Mindanao dahil walang investor ang papasok dito.
Paliwang ni Pangarungan, ayaw na nila ng giyera na ilang dekada ng nararanasan sa Southern Mindanao.
Dahil dito, kahit ano anyang peace agreement ay kanilang tatanggapin.
Bagama’t marami anya ang nagsasabi na kulang ang BOL pero ayon kay Pangarungan mas mabuti na ito kaysa wala.
Paglagda ni Pangulong Duterte sa Bangsamoro Organic Law welcome developmemt ayon kay Nat’l Commission on Muslim Filipinos Chair Saidamen Pangarungan @dzIQ990 pic.twitter.com/tDrRfvNno1
— Erwin Aguilon (@erwinaguilonINQ) July 27, 2018
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.