Apat na dating mambabatas na miyembro ng Makabayan Bloc ipinaaaresto ng korte

Naglabas ang korte ng warrant of arrest laban sa apat na mambabatas na kasapi ng Makabayan bloc.

Kinumpirma ito ni Bayan Muna party-list Chairman Neri Colmenares.

Ayon kay Colmares, ang warrant of arrest ay inisyu laban sa mga dating kongresista na sina Satur Ocampo, Teddy Casiño (Bayan Muna), National Anti-Poverty Commission Secretary Liza Maza (Gabriela), at dating Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Rafael Mariano (Anakpawis) kaugnay sa kasong murder na kanilang kinakaharap noong pang taong 2004.

Ang kaso ay nag-ugat sa dahil sa pagkamatay ng mga kritiko ng Bayan Muna sa Nueva Ecija.

Ang arrest warrant ay inilabas ni Judge Evelyn Turla ng Palayan, Nueva Ecija Regional Trial Court Branch 40.

Isinampa ang kaso laban mga dating mambabatas noong panahon ng administrasyon ni dating pangulo at ngayon ay House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo.

Read more...