Training at seminar ng CHR sa mga hotel, pinuna ng COA

By Erwin Aguilon July 27, 2018 - 12:15 PM

Pinagpapaliwanag ng Commission on Audit (COA) ang Commission on Human Rights (CHR) sa pagsasagawa ng training at seminar sa mga hotel.

Sa 2017 audit report ng COA umabot sa mahigit sa limang milyong piso ang halaga na nagastos ng CHR sa pagsasagawa ng 20 seminar at training sa loob at labas ng Metro Manila sa iba’t ibang hotel na pwede namang gawin sa loob ng kanilang mga opisina.

Sa ganitong paraan, mas nakatipid sana ang CHR sa halip na ipinanggastos sa hotel accommodation, pagkain at iba pang renta.

Napansin din ng COA na karamihan sa mga participants sa seminar at training sa Metro Manila ay pawang nakatira lang din sa NCR.

Ipinunto pa ng COA na mas marami din ang staff ng CHR Central Office na dumadalo sa seminar at training kaysa sa mga nasa regional offices.

Sa isinagawang training at seminar ng CHR, labing tatlo ang isinagawa sa metro manila habang pito naman ang isinagawa sa labas ng NCR.

Sinita rin ng COA ang ginasta ng CHR noong taong 2017 na halos apat na pung milyong piso para sa gender and development related activities.

Ito ay kahit pa aabot lang sa dalawampung milyong piso ang nakalaang pondo ng CHR para sa gender and development related activities.

TAGS: CHR, COA, Radyo Inquirer, CHR, COA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.