Bagong Ombudsman Samuel Martires bumisita na sa Office of the Ombudsman

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 27, 2018 - 11:49 AM

Bumisita na sa Office of the Ombudsman ang bagong talaga na si Ombudsman Samuel Martires.

Isang araw matapos ang pagkakahirang sa kaniya sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte nagtungo si Martires sa kaniyang magiging bagong tanggapan.

Sa panayam, sinabi ni Martires titiyakin niyang hindi siya magagamit ng mga pulitiko para kasuhan ang kanilang mga kalaban.

Sa ngayon sinabi ni Martires na nais muna niyang i-compose ang sarili lalo pa at marami pa siyang aayusin sa iiwanang pwesto sa Korte Suprema.

Sa sandali aniyang matapos ang mga ito ay saka naman niya aasikasuhin at aaralin ang mga kasong dadatnan niya sa Office of the Ombudsman.

TAGS: Office of the Ombudsman, Samuel Martires., Office of the Ombudsman, Samuel Martires.

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.