Mga Pinoy sa Syria pinag-iingat kasunod ng serye ng pag-atake ng ISIS
Pinayuhang ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang mga Pinoy sa Syria na mag doble-ingat matapos ang serye ng pag-atake ng ISIS na ikinasawi ng mahigit 200 katao.
Ayon sa DFA, wala namang Filipino na nadamay sa mga pag-atake, gayunman, nag-abiso ang Embahada ng Pililipinas sa Damascus na handa ito sakaling nanaisin ng mga Pinoy doon na umuwi ng Pilipinas.
Tinatayang nasa 1,000 ang mga Filipino na nasa Syria.
Kasabay nito nakiramay ang DFA sa mga naulilang pamilya ng mga nasawi sa pag-atake sa Sweida.
Ayon kay Foreign Affairs Sec. Alan Peter Cayetano patuloy ang pakikipag-uugnayan ng Philippine Embassy sa mga Pinoy na nasa Syria.
Sa Sweida na naging sentro ng pinakahuling pag-atake, mayroong dalawang Pinay na kapwa kasal sa Syrian Nationals at may mga anak.
Tiniyak umano ng mga ito na sila at kanilang pamilya ay ligtas at maayos ang kondisyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.