Magkapatid na NPA fighters sumuko sa Sultan Kudarat

Sumuko sa Tacurong City, Sultan Kudarat ang magkapatid na miyembro ng New People’s Army (NPA).

Kinilala ni Lt. Colonel Harold Cabunoc, commander ng 33rd Infantry Battalion ang mga sumukong rebelde sa mga alyas na “Ka Boyet,” at “Ka Ato,” na kapwa 18-anyos.

Sa pagsuko, sinamahan sila ng kanilang ama at isinuko din ang kanilang mga armas sa mga otoridad na kinabibilangan ng isang 40mm grenade launcer at isang M16 rifle.

Kwento ng magkapatid na Ato at Boyet, ang kanilang ama na dati ring miyembro ng NPA ang kumumbinsi sa kanila na sumuko dahil sa benepisyong alok ng pamahalaan sa mga gaya nilang rebelde.

Bunsod ng pagsuko ng magkapatid, umabot na sa 100 ang kabuuang bilang mga NPA member na nagbabalik-loob sa gobyerno mula noong Enero.

Read more...