$17M na halaga ng investment sa Northern Luzon ibinida ng CEZA

By Erwin Aguilon July 27, 2018 - 10:21 AM

Ipinagmalaki ni Cagayan Economic Zone Authority Director Raul Lambino ang pagpasok ng labimpitong multi-million dollars na halaga ng investment sa Northern Luzon.

Sa isinagawang launching ng Lianett Technology, isang International Financial company, sinabi ni Lambino na makasaysayan ang pagpasok ng major player sa larangan ng cryptocurrency.

Bukod aniya sa lilikhaing dalawampu’t limang libong trabaho, magpapayabong din ito sa lokal na ekonomiya ng Northern luzon at sa kabuuan ng bansa.

Ang bagong currency technology gaya ng blackchain ay pinaniniwalaang nagpataas ng ekonomiya ng Japan matapos silang magkaroong economic imbalances na naranasan nito sa nakalipas na panahon.

Napili aniyang pumasok sa Pilipinas ng 17 sa 36 na investors dahil sa isratehikong lugar sa Asian Region.

TAGS: BUsiness, Cagayan, ceza, BUsiness, Cagayan, ceza

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.