Most wanted sa Bogo City, Cebu arestado

CDN Photo

Naaresto na ng mga otoridad ang itinuturing na most wanted person sa Bogo City sa Cebu.

Ang suspek na si Jestony Talingting, 25 anyos ay nahaharap sa sampung bilang ng kasong panggagahasa.

Nadakip ang suspek sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni Judge Antonio Marigomen ng Bogo City Regional Trial Court Branch 61.

Ayon kay Supt. Jeffrey Caballes, hepe ng Bogo City police station, isang buwan nilang isinailalim sa surveillance ang suspek hanggang sa masukol na nga ito sa kaniyang pinagtataguan.

Nakakulong na ngayon ang suspek sa Bogo City police jail facility.

Read more...