Bello kay Usec. Paras: Kung may plano siyang patalsikin ako, OK lang sa akin

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 27, 2018 - 09:33 AM

Hindi na naiwasan ni Department of Labor and Employment (DOLE) Sec. Silvestre Bello III na magkomento hinggil sa mga bali-balitang may demolition job laban sa kaniya.

Kamakailan inireklamo si Bello sa Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ng isang Amanda Lalic-Araneta na presidente ng MMML Recruitment Services, Inc.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, hiningan si Bello ng reaksyon sa mga balitang si Usec. Jacinto “Jing” Paras ang nasa likod ng demolition job laban sa kaniya.

Ani Bello, anuman ang plano ni Paras na siya ay patalsikin sa pwesto ay OK lang sa kaniya. Ang importante lang ani Bello patuloy nilang gawin ni Paras ang kani-kanilang trabaho sa DOLE.

“OK naman ako sa kaniya, kung anoman ang ginagawa niya hindi ko pinapansin ‘yon basta gawin niya ang trabaho niya bilang undersecretary ok sa akin iyan. Kung anuman ang plano niya para patalsikin ako ok lang sa akin iyan. I would not want to presume, wala naman akong ano, basta ang sa akin magtrabaho siya, magtrabaho kami, for the good of our country, for the good of our workers, our overseas workers, we will work together,” ayon kay Bello.

Dagdag pa ni Bello nakarating sa kaniya ang impormasyon na multi-million ang sangkot na lobby fund para siya ay siraan.

Kasabay nito, umapela si Bello sa mga nag-aakusa laban sa kaniya na magsampa ng kaso sa korte at doon maglatag ng kanilang mga ebidensya.

“May nagsabi sa akin na multi-million daw ito. May binanggit na mga pangalanan, pero ako naman kahit anong milyon ang gamitin nila, hangga’t I’m with the truth and with justice I stand firm with my position. Doon po sa mga naninira sa akin ang pakiusap ko lang po kung talagang may ebidensya kayo ay doon natayo sa abogado magharap, wag nang sa media, kasi kahit papaano naman kahit walang katotohanan ang sinasabi ninyo, naapektuhan din ang aking pamilya, pati ako apektado, sa dami ng trabaho may mga ganyan pang paninira. Ang aking pakiusap if you have the evidence go to court. Doon na tayo magharap-harap and let the court decide kung sino sa atin ang nagsisinungaling,” ayon pa sa kalihim.

TAGS: DOLE, Jacinto Paras, Radyo Inquirer, Silvestre Bello III, DOLE, Jacinto Paras, Radyo Inquirer, Silvestre Bello III

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.