Babae patay sa pananambang sa Taguig

By Jan Escosio July 27, 2018 - 08:46 AM

Isang babae ang nasawi makaraang tambangan sa Barangay New Lower Bicutan sa Taguig

Ayon sa Taguig City Police, caretaker ang babae sa isang bahay sa lugar at tinatawagan lamang para maglinis ng bahay.

Naglalakad lang umano ang babae sa lugar nang sabayan sya ng naglalakad lang ding suspek at saka binaril pasado alas 6:00 ng umaga ng Biyernes.

Agad tumakas ang suspek matapos ang insidente.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente kabilang ang pagtukoy sa pagkakakilanlan ng babaeng biktima.

TAGS: ambush, metro, Radyo Inquirer, ambush, metro, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.