Ipinagmalaki ng Malacanang na malapit nang matapos ang ginagawang salary package na magbibigay ng dagdag na sweldo para sa mga kawani ng ating pamahalaan.
Ipinaliawanag ni Presidential Deputy Spokesperson Abigail Valte na nasa finishing touches na ang nasabing competitive package na magbibigay ng ayuda para sa mga tauhan ng gobyerno.
Nauna nang sinabi ni Pangulong Noynoy Aquino sa kanyang pakikipag-pulong sa ilang business leaders kamakailan na ang nakikitang mabisang paraan para maiwasan ang korapsyon sa pamahalaan ay ang pagtataas ng suweldo.
Bagaman tumanggi si Valte na idetalye ang laman ng nasabing plano, kanya namang tiniyak na maibibigay ito bago bumaba sa pwesto ang Pangulo sa sususnod na taon.
Ipinaliwanag rin ng nasabing opisyal na nauna nang naisa-ayos sa pamamagitan ng salary standardization ang sweldo ng mga opisyal at tauhan ng mga Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs).