Tweet ni Jed Madela kaugnay sa nawalang mga pasalubong sa NAIA iniimbestigahan na

By Jan Escosio July 27, 2018 - 07:55 AM

Agad pinaimbestigahan ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Ed Monreal ang reklamo ng pagkawala ng mga pasalubong ng mga delegado ng World Championships of Performing Arts Philippines (WCOPA) sa NAIA.

Ngunit nilinaw naman ni Monreal na hindi dapat ang airport ang agad na sinisisi sa tuwing may mawawala sa bagahe ng mga pasahero.

Giit nito ang sumbong o reklamo sa mga nawawala o nabuksan bagahe ay dapat na ipinararating sa kompanya ng sinakyang eroplano at hindi sa mga kawani ng paliparan, lalo na sa social media.

Nalaman naman ng opisyal na ang mga delegado na nawalan ng kanilang mga pasalubong ay hindi rin nagrereklamo sa pamunuan ng sinakyan nilang eroplano.

Ang insidente ay naisapubliko sa pamamagitan ng mga tweets ng singer na si Jed Madela at aniya ang mga pasalubong ay nawala sa NAIA.

Naglitanya si Madela at sinabi na nagtipid ang mga delegado para may maipambili lang ng pasalubong tapos ay nanakawin lang ng mga walang puso sa airport

Ayon sa singer bukas at sira ang lock ng mga bagahe ng ilan sa mga delegado.

TAGS: Jed Madela, NAIA, Radyo Inquirer, Jed Madela, NAIA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.