Brgy. Kagawad sa Bukidnon arestado ng PDEA

By Donabelle Dominguez-Cargullo July 27, 2018 - 06:58 AM

PDEA Photo

Arestado ang isang kagawad ng barangay sa Malaybalay City sa Bukidnon makaraang salakayin ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang kaniyang bahay.

Isinilbi kay Brgy. Kagawad Manny Ali ng Barangay 9 sa nasabing lungsod ang search warrant dahil isa ito sa mga nasa listahan ng drug personality sa lugar at matagal nang minamanmanan ng mga otoridad.

Nakuha sa bahay ng kagawad ang labingpitong sachet ng hinihinalang shabu na may bigat na 30-gramo at tinatayang nagkakahalaga ng P210,000.

Maliban sa mga ilegal na droga nakuhanan din si ali ng 1 kalibre 45 na baril, 1 ar15 rifle at mga bala.

 

TAGS: bukidnon, Illegal Drugs, malaybalay city, PDEA, Radyo Inquirer, bukidnon, Illegal Drugs, malaybalay city, PDEA, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.