Pinsala ng Hurricane Patricia di tulad ng inaasahan ayon sa Mexican President

By Den Macaranas October 24, 2015 - 04:31 PM

patricia-3
NOAA Satellite photo

Ilang oras makaraang manalasa si Hurricane Patricia ay nagsalita sa isang nationawide broadcast si Mexican President Enrique Pena Nieto.

Sa inisyal na report ng kanilang Interior Ministry, sinabi ni Nieto na hindi tulad ng kanilang inaasahan ang naging pinsala ng bagyo sa kanilang lugar bagama’t patuloy pa rin silang nakat-tanggap ng mga impormasyon sa lawak ng pinsala ng bagyo.

Si Hurricane Patricia ay pumasok sa kalupaang bahagi ng Mexico taglay ang hanging umaabot sa 315kph o kahalintulad ng bagyong Yolanda na nanalasa sa bansa noong 2013.

Ilang mga bahay at nga establishmento ang sinira ni Hurricane Patricia sa Cuixmala State na dahilan para ilikas ang maraming residente sa lugar.

Pero para kay Nieto, mas mababa ang pinsalang kanilang naitala hindi kahalintulad ng kanilang unang inakala dahil sa lakas ng hangin na dala ng nasabing sama ng panahon.

Bago pa man ang pagdating ng bagyo ay nagkaroon na ng pre-emptive evacuation sa ilang posibleng daanan ng bagyo partikular na sa mga tourists areas tulad ng Puerto Jalisco at Colima Region.

Sapilitang inilikas ang mga turista sa nasabing mga lugar dahil sa pangambang magkaroon doon ng storm surge.

Maaga ring kinansela ang mga flights ng mga eroplano at byahe ng ilang mga pampublikong sasakyan para na rin sa kaligatsan ng mga tao sa lugar.

Pati ang U.S ay naka-antabay sa mga kaganapan sa Mexico dahil ang Hurricane Patricia ang siyang pinakamalakas na bagyo na naitala sa mundo sa taong kasalukuyan.

TAGS: Hurricane Patricia, Mexico, Nieto, Hurricane Patricia, Mexico, Nieto

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.