Mga kanta sa bagong album ni Cher isinapubliko na

By Justinne Punsalang July 27, 2018 - 02:59 AM

Cher Instagram

Hindi pa man natatapos ang Mamma Mia 2 Here We Go Again fever ay ipinaalam na ng Goddes of Pop na si Cher ang magiging laman ng kanyang bagong album.

Sa magkakasunod na Twitter posts ng legendary singer ay isiniwalat nito na malapit na malapit na niyang matapos ang kanyang album.

Kagaya ng kanyang unang inihayag sa isang promotional interview para sa Mamma Mia 2, mga awitin ng Swedish band na ABBA ang magiging laman ng kanyang album.

Kabilang sa mga kantang kasama sa album ang ‘Waterloo’, ‘Gimme, Gimme’, ‘Dancing Queen’, ‘Chiquitita’, ‘Name of the Game’, ‘Mamma Mia’, ‘One of Us’, ‘Winner Takes It All’, at ‘SOS’.

Palaisipan naman sa ngayon kung ano ang ika-sampung track ng album.

Bagaman inawit ni Cher sa Mamma Mia 2 ang kantang ‘Fernando’ ay wala naman ito sa kanyang ilalabas na album, na hanggang sa ngayon ay hindi pa batid kung kailan ang release date.

Nauna nang binanggit ng Goddes of Pop na nabuo ang ideya tungkol sa kanyang paglalabas ng bagong album gamit ang mga awitin ng ABBA matapos ang kanyang pagganap sa musical na Mamma Mia 2 kung saan mga awitin ng ABBA ang ginamit.

TAGS: ABBA, Cher, Mamma Mia 2, ABBA, Cher, Mamma Mia 2

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.