Ayon sa Customs, nakatanggap sila ng tip na mayroong warehouse sa Calamba kung saan nakaimbak ang mga smuggled na bigas mula sa ibang bansa.
Nang salakayin ito ay tumambad ang nasa 10,000 sako ng bigas na mula sa mga bansang Thailan, Vietnam, at China.
Napag-alaman na wala itong import permit mula sa ahensya.
Nabatid pa na nirerepack ang mga bigas upang palabasin na mula ito sa bansa at hindi imported.
Pangamba ng BOC, kung magpapatuloy ang iligal na pagpasok ng bigas sa bansa ay posible itong magdulot ng hoarding na makaaapekto naman sa halaga ng bigas sa merkado.
Posibleng maharap ang may-ari ng warehouse sa kasong illegal importation at paglabag sa Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016.