Extension ng NAIAx sisimulan na sa katapusan ng taon

Inaasahang magsisimula na ang planong extension ng Ninoy Aquino International Airport Expressway (NAIAx) bago magtapos ang taon.

Sa panayam ng mga reporter kay Department of Public Works and Highway (DPWH) Secretary Mark Villar, sinabi nito na patuloy ang kanilang planning para sa extension na aabot sa Bonifacio Global City (BGC) sa Taguig.

Paglilinaw nito, sa ngayon ay wala pang eksaktong petsa para sa pagsisimula ng konstruksyon ngunit niniyak niyang magaganap ito ngayong 2018.

Kasabay dito ay nagsasagawa na rin ng road widening sa Lawton Avenue o Fort Bonifacio-Nichols Field Road bilang paghahanda para sa rampa sa elevated tollroad.

Read more...