Inaresto ng National Bureau of Investigation (NBI) ang 31 Chinese nationals sa Muntinlupa City na pinaniniwalaang sangkot sa cybercrime activity particular ang iligal na pagsusugal.
Ayon sa NBI, kinasuhan ng illegal gambling sa Muntinlupa City Prosecutor’s Office ang mga dayuhan.
Hinuli ang mga Chinese nationals sa raid sa Ayala Alabang Village kung saan nakumpiska ang ginagamit nilang mga computers at cellphones.
Ang pagsalakay ay ginawa ng NBI kasunod ng inilabas na search warrant ng Muntinlupa City Regional Trial Court Branch 2013.
MOST READ
LATEST STORIES