Associate Justice Teresita De Castro tinanggap ang nominasyon para sa pagka-Punong Mahistrado
Matapos sina Associate Justices Diosdado Peralta, Andres Reyes Jr., at Lucas Bersamin, tinanggap na rin ni Associate Justice Teresita De Castro ang awtomatikong nominasyon ng Judicial and Bar Council (JBC) para sa bakanteng posisyon na Chief Justice ng Supreme Court.
Si De Castro na nakatakdang magretiro sa darating na Oktubre ay isa sa limang pinaka-senior na mahistrado ng Mataas na Hukuman.
Bukod sa JBC, ninominate din si De Castro at iba pang natitirang mahistrado sa pinakamataas na posisyon sa SC ni Retired Sandiganbayan Associate Justice Raoul Victorino.
Isa rin ito sa walong bumoto para patalsikin ang dating punong mahistrado na si Ma. Lourdes Sereno sa pamamagitan ng quo warranto.
Si De Castro ay dating justice ng Sandiganbayan bago itinalaga ni dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo bilang Associate Justice ng SC noong 2007.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.