25% ballot shading threshold iginiit ng COMELEC
Mali ang paggamit ng ballot shading threshold sa recount sa poll protest ni dating senador Bongbong Marcos, ayon sa Commission on Elections (COMELEC).
Sa manifestation ng COMELEC sa Presidential Electoral Tribunal (PET), iginiit ng ahensya na dapat sundin ang standards at procedures na ginamit sa kasagsagan ng eleksyon sa recount ng resulta ng eleksyon.
Pinanindigan ng COMELEC ang kapangyrihan nito sa pagdedesisyon sa lahat ng mga kwestyon na makaaapekto sa eleksyon.
Itinakda ng COMELEC ang 25% threshold set pero isinulong ng kampo ni Marcos ang 50% threshold.
Sinuportahann ni Solicitor General Jose Calida ang 50% threshold ng kampo ni Marcos at iginiit na ang PET ang natatanging may otoridad para magdesisyon sa poll protests.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.